what's inside of a dazed and confused mind

Monday, January 08, 2007

Late Na Naman!!

Yes, it's monday.... and im late again... arrrrrgh. Sinong may kasalanan? Yung alarm clock? hinde. Matagal ng wala ng battery yun... Yun cellphone ko na nag alarm naman sa tamang oras? hinde.
Nag alarm nga sa tamang oras e. Na snooze ko lang naman. 3 times. hahahaha sarap kasing matulog e... Lalo na't katabi mo mahal mo... haaaaaay... lunes na lunes e.... corny ko na naman.. Kasalanan ko talaga kung bakit ako na late.. haaay... Pero masarap e.. teka... paulit ulit na lang a..
Nung saturday, nanood kami ng....... Enteng Kabisote.... hahahhaha request ni Kid e... ayun, natulog lang ako sa sine..... pag uwi namin, di na naman ako kinausap ni Kumander... haaaay... Nung Sunday, hmmmm... natulog maghapon... nyahahahaha.. then nagsimba @ 6:30 Pcm... tapos kumain sa Floring's bbq... sa tabi ng shopwise... Sawap ng BBQ nila.. Next time, try ko yung chicken chicharon nila. Ano yun? kaya nga susubukan next time para malaman e.. hahaha lunes na lunes, anggulo ng utak ko..... Late kasi e. Pero masarap talaga malate. Haaay, umiikot na naman. Tama na nga.